Monday 28 December 2015

(Lyrics & Video): "MISTERYO" by Sarah Geronimo

"MISTERYO"
by Sarah Geronimo

Di na mahanap ang kasagutan natutuliro ang isip
Binabagabag ng katanungan ng mapagbirong pag-ibig
May ibig sabihin ba kung parang kayo
Pero wala lang? ano bang kaugnayan
Sino bang di mahihirapan
Pag-ibig na kaya lang, wala kang katiyakan

Teka muna, para bang akdang baybayin
Teka muna, na 'di ko magawang basahin

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig?
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso Ohh...
Ito'y palaisipang misteryo

Sino bang dapat sisihin
Marahil mali rin na mahulog
Sino bang may sabing isipin kita
Sa paggising hanggang pagtulog
'Di ko batid kung kasalanang bigyang kahulugan
Ang tamis na naranasan
Kaya ngayon ay nangangapa lang
Kung may mapapala o hanggang dito na lamang

Teka muna, para bang akdang baybayin
Teka muna, na 'di ko magawang basahin

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig?
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso Ohh...
Ito'y palaisipang misteryo

Parang talinhagang hindi ko mabatid
Para bang hiwagang kagitlahanan ang hatid
Kahit na pilitin ko
Gulung-gulo ang isip ko Ohh...
Ito'y palaisipang misteryo

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig?
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso Ohh...
Ito'y palaisipang misteryo Ohh...

Pag-ibig nga ay sadyang
May nakakabit na
Mga palaisipang misteryo Ohh...

Isang misteryo.






Thank you!



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...