Tuesday 12 January 2016

Lyrics & Video: "AKO'Y PARA LAMANG SA 'YO" by Sarah Geronimo

"AKO'Y PARA LAMANG SA'YO"
by Sarah Geronimo

Nasaan ka?
Nasa mabuti ka bang kalagayan?
Naaalala mo kaya ang ating mga pinagsamahan?
'Di ko alam kung ba't pinaghiwalay pa ng tadhana
Ang laging dasal sa Maykapal ay ika'y alagaan

Pinangakong hindi ka iiwan
Sa pangarap ikaw ang kasama
Hinayaang ikaw ay lumisan
Sana'y malaman mo na

[Chorus:]
Ako'y para lamang sa 'yo
Kailanma'y 'di ito magbabago
Kahit saan ka pa naroroon sinta
'Di titigil hanggang makapiling kang muli
Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ako'y para lamang sa 'yo

Ooohhh...

Nasaan ka?
Araw-araw kang nasa 'king isip
At tuwing gabi ay nariyan ka sa bawat panaginip
Pag-ibig sayo'y 'di titigil
Kahit pa mundong ito ay maglaho
Kapalaran ko'y nariyan sa piling mo
'Di susuko sa paghanap sa 'yo

[Chorus]
Ako'y para lamang sa 'yo
Kailanma'y 'di ito magbabago
Kahit saan ka pa naroroon sinta
'Di titigil hanggang makapiling kang muli
Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ako'y para lamang sa 'yo

Umaasang muling makapiling ka
kailangan kita sa 'king buhay
Hanggang mamatay hahanapin ka't maghihintay

Ako'y para lamang sa 'yo
Kailanma'y di ito magbabago

Ooohhh...

[Chorus]
Ako'y para lamang sa 'yo
Kailanma'y 'di ito magbabago
Kahit saan ka pa naroroon sinta
'Di titigil hanggang makapiling kang muli
Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ako'y para lamang,
para sa'yo.

Ooohh...






Thank you!



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...